Top Padding

MAG AMBAG!

Top Margin

Bangon Naujan

Pagsasagawa ng mga Community Outreach at libreng serbisong medikal sa mga pamayanan sa Naujan na nasalanta ng bagyo at sakuna, at mga piling mahihirap na lugar.

KapitBahayan

Pagbabayanihan upang makapagtayo ng mga maayos na bahay sa mga mahihirap na pamilyang nasalanta ng magkakasunod na bagyo.

Sagip Kapatid

Paghahatid ng tulong pinansyal at medikal sa mga kapus-palad nating mga kababayan na nangangailan ng kagyat na tulong.

Batang Naujan Cup

Patuloy na nagsasagawa ng mga sports activities at events upang mas maging aktibo ang ating mga kabataan sa palakasan at mailayo ang sila sa mga masamang gawain at bisyo.

Tulong Kabuhayan

Paghahatid ng tulong sa mga pamayanan at pamilyang nangangailangan ng oportunidad na matutong tumayo sa kanilang sariling lakas na mabuhay ng marangal.

Pulong Bayan

Patuloy na paghahatid ng mga dagdag na kaalaman sa ating mga pamayanan sa usapin at isyung kanilang kinasasangkutan, at mga pulong na magpapaunlad ng kamulatan.

Ipagtanggol Ang Kalikasan

Patuloy ang ating pagmumulat sa isyu ng kalikasan, walang humpay na pangangalampag sa mga kinauukulan, at sama samang pagkilos upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan.

 

Bottom Padding

Ang BATANG NAUJAN ay tumatanggap ng lahat ng uri ng tulong. Mga immediate na mga pangangailangan sa oras ng sakuna, mga relief items, tulong pinansyal, oras, kakayanan. Basta makakatulong sa paghahatid ng tulong para sa ating mga kababayan, tayo ay bukas. Lahat ng mga tulong na ating natatanggap sa ating mga kasapi at taga-suporta ay ating inihahatid sa pamamagitan ng ating mga programa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang po sa ating mga opisyal na mga kasapi ng organisasyon. Maaari ring mag email sa atin sa tagabantay@batangnaujan.org o mag message sa ating opisyal na Batang Naujan Facebook Page.