May Apat Kami!
Naging makabuluhan ang “May Apat Kami” sa samahan ng Batang Naujan sa maraming dahilan.
Nung simula, pinaratangan ang samahan na tanging APAT lamang umano ang mga kasapi nito. Sa pagkakataong yaon, minabuti ng mga promotor na gamitin ang akusasyon mula negatibo at gawing positibo. Ang “May Apat Kami” ang sya nitong ginamit na slogan sa unang pakikilahok sa isang malawakang pagkilos Pebrereo 2017, bitbit ang “Apat na Hinaing” kung saan umabot sa 400 katao mula sa hanay ng Batang Naujan ang dumalo, bukod pa sa mahigit 200 sa ating mga kapanalig sa Naujan Weste at bayan ng Baco. Mayroon ding APAT na promotor sa hanay ng samahan. Mayroon ding APAT na Batayang Prinsipyo na gumagabay sa organisasyon.
Sa huling tala, ang Batang Naujan ay may umaabot na sa mahigit ng 12,000 libong mga kasapi sa loob at labas ng Naujan, na handang mag-ambag ng oras at kakayanan para sa adhikain ng samahan. Mayroon itong mga balangay sa halos bawat barangay ng bumubuo sa bayan ng Naujan at maging sa ibang mga lugar at bansa.
Ang organisasyon ay pinapatakbo ng boluntaryong pagsasama-sama ng Komite Sentral na syang mga representante ng mga kasapi sa balangay. sa loob nito ay may APAT na komiteng tagapagpaganap na syang nagtutulong tulong upang maipakalat ang kaisipan at kasapi ng samahan.
Ang BALANGAY (Chapter) ay base sa inyong geographical location. Sa kasalukuyan may mga Balangay ang Batang Naujan sa mga sumusunod na lugar:
Mga Lokal na Balangay:
Brgy. Poblacion 1
Brgy. Poblacion 2
Brgy. Poblacion 3
Brgy. Pinagsabangan 1
Brgy. Barcenaga
Brgy. Melgar A
Brgy. Melgar B
Brgy. Montemayor
Brgy. Estrella
Brgy. Arangin
Brgy. Balite
Brgy. Aurora
Brgy. Mulawin
Brgy. Masaguing
Brgy. San Agustin 2
Brgy. Bayani
Brgy. Nag-Iba 2
Brgy. Bancuro
Brgy. Buhangin
Mga Balangay sa Ibang Bayan:
Cavite Chapter
Paranaque City Chapter
Mga Balangay sa Ibang Bansa:
Los Angeles, California
Seattle, Washington
Italy
Vancouver, BC Canada