Dahil sa Bagyong Usman, Pamilya Nabiyayaan ng Bagong Bahay
|Naujan- Isang na namang mahirap na pamilya ang nabiyayaan ng bagong bahay mula sa bayanihan ng grupong Batang Naujan.
Si Jennefer Penaflor, isang mahirap na mag-aaral sa Alternative Learning System sa Paaralang Bayan sa nasabing bayan ay ang huling benepisyaryo bagong bahay na ipinagkaloob ng nasabing grupo.
Ang kanilang munting tahanan ay isa sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Usman bago pa dumating ang kapaskuhan. At dahil dito, inilapit ni Ginang Cresencia Garibay ng Paaralang Bayan ang kaso ni Jennefer sa Batang Naujan sa ilalim ng kanilang KapitBahayan program.
Agad namang tumalima ang grupo matapos makita ang sitwasyon ng pamilya. At matapos ang bagong taon ay naitayo na ang kanilang bagong bagong tahanan.
Lubos lubos naman ang pasasalamat ang pamilya Penaflor sa biyaya ipinagkalooob ng grupo.
Nagpapasalamat naman ang Batang Naujan sa mga tumugon, ambag-ambag at nagtulong tulong upang maipatayo ang bagong bahay ng pamilya.
Ang nasabing bahay ay pang 29 na bahay na na naitaguyod na sama-samang naitayo ng grupo.