Bond, Coupon Bond

Kokomban Project Matagumpay

Tagumpay mga kapatid ang ating isinagawang malawakang “Bond, Coupon Bond” Project.

Nakapaghatid tayo ng kabuoang 1,060 reams ng copy papers sa 17 High Schools, 60 Elementary Schools, at 3 Day Care Centers.

Lubhang napakalaki ng ating bayan kung kaya’t medyo nahirapan tayong maabot ang lahat. Hindi man napakarami ang ating naihatid, kahit papaano’y nakatulong tayo at higit sa lahat ay sinikap nating mabigyan ang lahat.

Mayroon pa pong 9 na Mangyan Schools ang atin pang hahatiran sa mga darating na araw, subalit hindi “kokomban”. Ito ay sa ating pananaw ay mas kailangan nila higit sa naturang mga “kokomban”. Kung kaya’t abangan po ninyo kami diyan.

Salamat po sa lahat ng nakiisa upang maisakatuparan ang lahat ng ito.

Sa ating mga volunteers: Kon. Jessette Bautista, Rex Bautista, Buboy Jayag, Tin-Tin Jayag, Lea Genteroy, Arvel Malubag, Kon. Rod Bermudez, Ilo Jayag, Eric Belano, Joanna Jayag, Kon. Boy Laygo, Gade Ylagan, Sir Elbert Tolentino, at Malaya Moto Club

Sa ating mga donors, Rebecca Bulanadi, Fod Pandalas, Tina Mercado, Chester Santos, Desiree Galang, Maricar Ramos, Phillip Yap, Russell Ylagan, Ma. Corazon Delgado-Tolentino, Rhea Delgado-Rodis, Donna Santos, OFW Cortez, Perlas ng Silangan, Beth and Odee Mercado, Louise & RJ, Atty. Biyong Garing, Alexandra Ocasio-Cortez, Romano Magtanggol at Seattle Collective.

Salamat sa Channel 10 TV Net sa pagbabalita.

At higit sa lahat, salamat po sa ating mga dakilang guro sa pakikipag-ugnayan.

Maraming Salamat po sa lahat!