Mga Mangyans, Nabiktima ng Food Poisoning

Balite, Naujan – Isa ang patay sa umanoy food poisoning at 20 iba pa ang apektado sa isang pa meeting ng ating lokal na pamahalaan kasama ang National Commission on Indigenous People (NCIP) sa Bargy. Balite, Naujan, nitong nakaraang Oct.12, 2017.

Ang nasabing pulong ay idinaos sa Brgy. Balite kung saan nagpadala ng mga representante ang iba’t ibang mga tribu ng Mangyans sa mga barangays ng Paitan, Magtibay, Caburo, at Balite. Ayon sa impormasyon inihatid sa atin, dagsa ang mga naapektuhan sa ating provincial hospital magpasa hanggang ngayon. Isang ginang na si Paulina Dumasic ang namatay sa food poisoning.