7-Taong Bata na May sakit sa Kidney

Salamat sa napakaraming taong nagtulong-tulong upang ating madala sa PGH at maoperahan at patuloy na mapagaling ang batang si Jane.

Date:

May 20-30, 2017

Barangay:

Nag-Iba 2

Recipient:

Jane Reyes

Programa:

Sagip Kapatid

7-Taong Bata na May Sakit Sa Kidney

Nag-Iba 2, Naujan – Kasalukuyan na ngayong malakas ang 7-tong gulang na bata matapos itong maoperahan sa sakit sa kidney sa Maynila.

Matatandaang inilapit ng isang concerned citizen ang kaso ni Jane, isang 7-taong gulang na bata na taga Brgy. Nag-Iba 2 sa Naujan. Matagal na umanong iniinda ng bata ang sakit sa bato, kung kaya bumagsak na rin ang pangangatawan nito. Ayon sa pamilya ng bata, nadala na ito sa isang ospital sa Batangas kamakailan ngunit inilabas din nila ito dahil sa wala silang kakayana ipagamot ito.

READ MORE…