MAKILAHOK!

 

MAKILAHOK SA MGA DISKURSO, MAGPATAAS NG KAMULATAN

Maging bukas ang puso, isip at diwa sa mga nangyayari sa bayan. Hindi na uso ang walang pakialam. Huwag manatiling tahimik sa mga bagay na wala kang kinalaman. Lahat ng bagay ay magkakaugnay. Ang lahat nang nangyayari sa iyong kapwa tao, kalikasan, at lipunan ay ay may epekto sa iyo. Huwag magsawalang bahala sa mga isyu. Huwag magpikit mata at magbingi bingihan. Ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag diyalogo para sa kapakanan ng bayan.

Patuloy na magpataas ng kamulatan ng sarili, ng pamayanan, ng bayan, at ng lipunan. Sa patuloy na pagpapaunlad ng sarili, mas magpapatuloy ang ating kakayanan na magtasa at magkaroon ng kritikal na pag-iisip tungo sa pag-unlad. Lumahok sa mga pulong bayan.

Makisali sa usapang bayan sa Batang Naujan FB Group.

 

MAKIALAM SA PAMAYANAN AT PAMAHALAAN

Obligasyon ng pamahalaan na pangalagaan ang sambayanan. Obligasyon ng mga mamamayan ang ipagtaguyod ang mga programa ng ating mga nasa pamahalaan ngunit obligasyon din at karapatan natin na bantayan sila upang masiguradong mananatili itong tapat sa bayan.

Kapag may nakikita kang mali saan man, obligasyon at karapatan ng sinuman ang makialam.

 

MAKILAHOK SA MGA PAGKILOS

Makilahok sa lahat ng mga uri pagkilos na magdudulot ng kapakinabangan sa ating mga pamayanan. Magbigay ng oras at panahon na sumama sa mga Community Outreach, paghahatid ng tulong sa mga biktima ng sakuna, pagbabayanihan, mga pulong bayan, at mga boluntaryong pagbibigay ng tulong, mga sama-samang pagkilos, at iba pang mga aktibidades na maghahatid ng kapakinabangan sa ating mga mamamayan.

 

MAGPALAKAS NG HANAY

Patuloy na mag-organisa ng hanay. Mas malakas kapag sama-sama. Sumapi sa BATANG NAUJAN.